Oportunidad na di dapat baliwalain kapag kumakatok sa inyong pintuan
Hangga't sa makakaya ko, lahat ng mga i-po-post ko dito ay isasalin ko sa wikang Filipino sapagkat ito ay para sa mga Pilipino na nais magkaroon ng kaalaman sa mundo at galaw ng teknolohiya at internet, kahit na hindi ako magaling magtagalog dahil isa akong bisaya ay pagsisikapan ko pa rin ito.
Nais kung ibahagi ang mga karanasan ko at mga pahanong nasusubaybayan ko hanggang sa ngayon upang maikuwento ko sa inyong lahat ito.
Isa na nito ang pagsisimula ng mga teknolohiya na hanggat sa ngayo'y tinatankilik ng mga kapwa ko Pinoy at lalo pang dumarami ang nahihilig nito at nagiging bahagi na sa buhay ng bawat isa.
Siguro ay alam niyo na to?
Ang CellPhone;
Natatandaan ko pa noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo. Ang mahal ng mga cellphone at bawat pagpapadala ko ng isang mensahe ay siguradong 1 piso ang nakakaltas. Nokia pa ang sikat noon at hindi pa nauuso ang pagnanakaw nito. Nasabi ko to sa mga kaklase ko at mga kaibigan ko na "Darating ang araw, magiging mura din ito at pati yang nagtintinda ng balot, chitcharon at maski yang mga drayber ng trisikad ay magkakaroon din".
Tinanong ako ng isa kong kaklase na pabiro "Sigurado ka ba? ano pustahan tayo?" at ito naman ang sagot ko sa kanya "Kung magpustahan tayo ngayon, baka maiinip ka lang dahil tatagal pa ito ng kunti. Tinanong ako ulit ng isa sa mga kaklase ko, "bakit mo nasabi yan na?"
Ito ang sagot ko "Napansin ko kasi maski hindi ako experto sa mga ganito, mahalaga sa atin kasi ang komunikasyon at yung mabilisang transaksyon at darating ang araw na magkakaroon ng mga kompetisyon at dadami ang gagawa ng ganitong teknolohiya para sa mga komunikasyon dahil makikita nila na malaki ang kikitain nito, isipin mo na lang kung magpapadala ka ng sulat o telegrama (telegrama at long distance call pa ang mabilisang paraan ng kumunikasyon noong mga taong 1990's) sa mga kaibigan mo o mga kamag-anak mo na nasa ibang lugar o ibang bansa, magkano ba ang nagagastos mo? ilang araw pa ba ang hihintayin bago nila ito matatanggap? at nakakasiguro ka ba na matatanggap ito?
Dumaan lang ang ilang taon at nagiging "Txting Capital" pa nga ang Pilipinas at nagsusulputan na ang mga mura at ibat-ibang modelo ng mga cellphone (android, chinaphone, smartphone, google, windows, ios at iba pa).
Ito pa, e-Commerce o Online Store/Online Shopping/Online Auction/Online Buy and Sale;
2000 noong nagsisimula na akong mag-online (wala pa ang Facebook) o mag-internet hanggang sa nagkaroon na ng trabaho bilang isang Graphic Artist sa isa sa malaking outdoor advertising company dito sa Mindanao at mula noon lagi nang may internet (hehehe), nasusubaybayan ko ang katayuan at galaw ng website na Amazon na hanggang sa ngayon ay lalong sumisikat at dumarami na rin ang mga kompetisyon at gumagaya ng estilo nito dahil nga nakita nila kung gaano kalaki ang potensyal, kikitain at tulong ang hatid nito (isa na dito sa Pilipinas ang Sulit).
Bakit nga ba ito tinatangkilik?
Kung ako ang tatanungin, ito ang sagot ko riyan;
Ito kasi ay konektado sa komunikasyon at madaliang proseso na maihahalintulad ko sa paglago at paglaki ng produksyon ng teknolohiya ng mga Cellphone, isipin mo na lang kung may gusto kang bilhin na isang bagay na kinakailangan mo at nasa ibang bansa o sa ibang bayan lang ito makikita tiyak na malaki ang gagastusin mo dito. Kaya, tinatangkilik ito dahil nga sa madaliang transaksyon at makakatipid pa ng malaki.
Kaya ng malaman ko na may itinatag na sa isa sa mga kumpanya dito sa Pilipinas at pag-aari pa ng Pinoy na e-Commerce at nagbibigay pa ng pagkakataon sa mga ordinaryong tao na tulad ko para kumita, pinag-aralan ko muna at sinusubaybayan ito bago ako sumali.
At ang masasabi ko sa inyo na ito ang magandang oportunidad na di dapat baliwalain kapag kumakatok sa inyong pintuan at ito ay ang Technowise360.
Kung ikukumpara mo ito sa mga sikat na mga e-Commerce sites, ang mga nagmamay-ari lang nito ang kumikita at yumayaman at darating din ang araw na tatangkilikin at magiging bahagi na rin ito sa buhay nating mga Pilipino.
Dahil nga sa sinasabi ko tungkol sa cellphone, tiyak na ang kasunod nito ang internet sa mga cellphone at siguradong hindi magtatagal at magiging online na ang karamihan.
Maari nyo pong basahin at pag-aralan ang mga pinost ko sa baba upang pag-aralan kung papaano kikita, kung ano ang ibig sabihin ng internet income o paano sumali at mapabilang sa mga taong kumikita sa paggamit ng internet.
Mga karagdagang kaalaman at mahalagang ideya na mapag-aaralan.
(http://technowise360-businessopportunity.blogspot.com/2013/09/shop-save-and-earn-from-technowise.html)
Lehitimo at legal na negosyo online para kumita gamit ang facebook at twitter
(http://technowise360-businessopportunity.blogspot.com/2013/09/kikita-ka-sa-load-earn-from-your-load.html)
Kikita ka sa load kahit hindi nagbebenta
0 comments:
Post a Comment